Ang talumpati *bow
SmurF bLoged oN Tuesday, January 31, 2006

Habang tinitingnan ko ang larawan na ito nung isang gabi, di ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan ang masasayang ngiti na kumikislap sa labi ng bawat isa, ang mga matang puno ng pagaasa at determinasyon sa hinaharap, at ang pagsasamahan na kahit di nakikita ng mata ay nararamdaman naman ng puso. Di ko labis maiisip na sa halos tatlong buwan ay kailangan nating magpaalam sa isa’t isa upang tumahak ng bagong landas. May mga ngiti pa kayang makikita? Aasa pa kaya? Sadyang limot na lamang ba ang patutunguhan ng mga alaala?

Noong ako ay nasa unang baitang pa lamang, laking gulat ko nang isang matanda ang biglang nagtanong sa akin

“Anong grade mo na”

Laking pagmamalaki ko namang sinabi

“Grade one pa lamang po”

“Ay, matagal ka pa ah dito” sagot ng matanda

Sa mga salitang binigkas niya, kahit sa murang edad kong iyon, ay labis parin ang pagaalalang lumagos sa aking isipan. Na halos tatlong libong araw pa ang kakailanganin kong gumising ng maaga para pumasok, na wala na ang mga gabing kompletong tulog ang asam, at na tunay nga na matagal pa ang pamamalagi ko sa lugar na kinikilala ko pa lamang.

At ngayon na natapos ko na ang elementarya, kilalang kilala ko na ang aking paatalan , magtatapos na rin ako ng sekondarya, at bagong kabanata na naman ang kailangang harapin, di ako makapaniwala na parang sa isang kisap-mata lamang dumaan ang lahat.

At sa sborang bilis ay nakatayo ako ngayon sa harap nyo na nagsisi. Hindi dahil sa marami akong kasalanan sa inyo, ngunit siguro ay bahagi na rin yun, kundi dahil pinalipas ko ang mga panahong magkakasama tayo na hindi sa pinakamaiinam na aking makakaya. At kinakatakutan ko na marahil ay kaunting oras na lamang ang nailaan upang ito’y ayusin.

Ganun pa man, ako ay nagsisisi dahil marami pa akong ginugustong gawin at sabihin. Gusto ko pang lasapin ang mga panahong nagtatawanan tayong lahat. Gusto ko pang makipagkwentuhan ng “nonstop” sa inyo. Gusto ko pang magsabi ng mga problema sa inyo na kahit mababaw o grabe ay natutulungan nyo parin itong mabigyan solusyon. Gusto ko pang ibahagi sa inyo ang mga “love stories” ko mapapantasya man o sa katotohanan. Gusto ko pang makipagkulitan sa inyo, na kahit nasa puntong umaabuso na ako ay di parin kayo nagagalit.

Ako rin ay nagsisi dahil ngaun ko lang naisipang makipagkaibigan sa iba. Na kung noon ko pa sana ginawa ay mas maaga ang pagkaka kilala ko sa kapuna punang mga tao kagaya nyo. Na kung noon ko pa ginawa ay mas makilala ko pa sana kayo ng mabuti. Na kung noon ko pa sana ginawa ay siguro mas matibay ang pagkakaibigan nating nabuo.

Nagsisi ako dahil hindi ako naging mabuting kaibigan na aking inaasahan. Habang walang kibo ang pakikitungo ko sa inyo ay araw araw na saya at suporta naman ang kapalit. Habang maraming away na ang naidudulot ng aking malaking bunganga ay ni minsan di ko kayo narinig na tutol o sisi mula sa inyo. Habang heto ako hirap na hirap na mag bukas ng puso sa mga kabutihang handog nyo ay narayan parin kayo…mga maituturing na pinakamabuting kaibigan sa mundo.

At ang pinagsisihan ko sa lahat ay ang di sapat na pagpapaabot ko sa inyo ng pasasalamat at pagmamahal. At habang nabigyan na rin nang pagkakataaon upang gawin ito, maraming salamat sa lahat, Maraming Salamat, sa pagmamahal at saya na walang sawang binahagi niyo sa akin.

Ngunit kahit mga pagsisisi na ang mga binabanggit ko sa harap niyo ay pagtanggap parin ang handog niyo. Sa simpleng ngiti at pagmamalasakit na natatanggap ko, ang mga pagsisi ay nagiging pampapalakas ng aking loob upang patuloy na mamuhay, umasa at mangarap. At kahit marami akong pinagsisihan sa mga nangyari sa aking ikalawang tahanang tinuturing, ako parin ay tunay na pinagpala dahil nakasama ko kayo sa paglalakbay na ito.

Pagbalik sa katotohanang kailangan ngang mawalay sa isa’t isa, wala na akong kinakakabahan pa dahil alam ko na di kukupas ang ngiti at saya, ang pagaasa ay hinding hindi mawawala at ang mga alaala ay habang buhay na makikintal sa alaala.

Marami pa sana akong gustong sabihin ngunit nahihirapan akong hanapin ang tamang mga salita upang ilarawan ang nais kong ilahad, kaya’t naghanda ako ng isang simpleng presentasyon. Ani nga nila “A picture is worth a thousand words” Sana’y magustuhan niyo ito at sana sa paraang ito mailahad na ang lahat ng ninanais ko na madakma niyo.

(Power point)
Estimated time: 8 minutes
“At the Beginning and I will Remember You

------------------------------------ -------------------------------------